Thursday, November 22, 2007










'Wag Mong Iwan


ANG PUSO






Kay bilis naman ng panahon


Kailan lang tayo nagkatagpo


Pareho ng hangarin iibig sa atin


Ay matagpuan at di pakakawalan






Di natin pinilit ang pagkakataon


Pagkakaibiga’y nauwi sa pagmamahalan


Ngunit ika’y nagbago natakot ang ‘yong puso


Na mahulog at umibig muli






Wag mong iwan ang puso kong mag-isa


Pagkat mabuhay ng wala ka’y di makakaya


Sa sandaling ikaw ay lumisan


Wala ng pag-asa sa aki’y maiiwan






Wag mong sayangin ang pagmamahal


Na ating pinangarap nang kay tagal


Minsan lang sa buhay natin ang ganito


Mahal ko, wag mong iwan ang puso ko






Wag mong iwan ang puso kong mag-isa


Pagkat mabuhay ng wala ka’y di makakaya


Sa sandaling ikaw ay lumisan


Wala ng pag-asa sa aki’y maiiwan










ALGS

0 comments: