< THE FEAR A MAN WALKING ALONG A CLIFF EXPERIENCES IS NOT THAT HE MIGHT LOSE
HIS BALANCE AND FALL , BUT HE MIGHT JUMP - THAT HE SEES HOW IN ONE MOMENT HE
COULD CHOOSE SUCH AN ACTION>
inspired from the song of Ms.Regine Velasquez (sa aking pag iisa)
isa lang ang nagdala sa akin dito sa tuktok ng bundok, ang mga maling pagkakataon, sala-salabat na paghihinayang sa mga mali-maling desisyon sa aking buhay , ang panis na estado sa aking pulitika ng pag-ibig, ang robotikong buhay ko sa Maynila , ang gulo sa pamilya, ang pagkasuklam ko sa gobyerno , at higit sa lahat , ang paghihimutok sa sarili.
ngayon , ako ang "king of the world". mataas ako sa kanila sa pagkakataong ito. ramdam na ramdam ko ang pagiging wild ng hangin. sumasayaw ang ihip nito sa ibat-ibang saliw. at ngayon naman, ang paborito kong techno music ang nilalaro nito. mapayapa, mahaba, at malambot ang mga hibla ng buhok ko kasabay ang pagsasayaw kasama ang hangin.
JOURNAL ENTRY NO.69, SA TAONG 2006, ISANG MARAHAS NA
PANAHON.
dear diary,
may sanga-sanga rin palang posibilidad ang iniluluwal ng mga bituin.
1. na maari ka palang i text ng matagal mo nang kaibigan na akala mo ay tuluyan ka nang nilimot.
2. na hindi lang pala natatapos ang lahat sa text, na mananaig ang kagustuhan niyong magkita upang sabay panoorin ang palabas ng langit.
3. na dialektiko pala ang meteor shower at ang pagko-concert ng mga bituin sa loob natin.
4.na ang musika ay "imagined". lahat tayo ay radyo. sinasabayan ang ating pag iral ng musika. at nang gabing ito, walang habas sina Regine Velasquez, Mariah Carey , at Celine Dion.
5.na unibersal ang kuryente. nakamamatay ang mga titig. inosente ang haplos. at musika ang paandap-andap na katahimikan.
6. na walang katapusan ang palabas. nagpapatuloy ito sa mas exciting pang panoorin.matapos ang meteor shower, lalanguyin natin ang pait ng alak.
7. na kapag lasing ka, alipin ka ng melankolya . ilog ng mga luha. talon ang mga gunita. at kayong dalawang naglamay sa burol ng lungkot ay maglalayag sa kulay pulang karagatan. pagsasaluhan niyo ang mensaheng hatig ng hydrogapiya.
8.na nakahimlay tayo sa tila lapidang kama. kakambal ng mga gabi ang ungol ng nagtatalik na butiki. mainit ang ating mga hininga . malagkit ang ating mga kutis.
9. na hubo tayong dalawa. at kapag nakahubad ka - nabubulag ako.
10. na lalake ka , at lalake rin ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
to be continued..
i would like to thank ang mga taong tumulong upang matapos ang article na ito.
> sa nag edit
> sa nag type
> sa nag pa copyright
thank you.mwah!
hench.park@gmail.com
2 comments:
bhe ganda ng gawa mo...promise!
Post a Comment