WALA LANG MAGAWA...
NAKAKA BORING ANG ARAW NA ITO....
AYUN.....NAKATUNGANGA ME MAGHAPON SA WORK AFTER KO MAKIPAG PLASTIKAN SA MGA CITY OFFICIALS AND SCHOOL PRINCIPAL....
WALANG BAGO SA BUHAY KO..
ang buhay ko'y hungkag na mga pangitaing alam kong malayo sa katotohanan..
walang pumapasok sa isip ko ngayon..sa makatuwid..
BLANGKO..
marami akong pagkukulang..
marami rin naman akong naibigay na..
napag iisip isip ko...sapat na siguro ang mga ginawa ko para masabing naging isang mabuting mamamayan ako ng Pilipinas..
nakatulong na siguro ako...
sapat na ang halos 17 taong kontribusyon sa sa bansang ito.
gusto kong pasalamatan ang mga taong tumulong para mahubog ang aking pagkatao..
hindi ko alam kung panu ko naisusulat ang artikulong ito..marahil ako'y inspired (wow)
salamat sa titser ko nung grade 3..kahit tawag nia saken nun baby cow...ewan ko kung bakit?
sa titser ko nung grade 2, madalas nia kaming batuhin ng baseball nun..
sa klasmeyt ko na tumulong saken umakyat sa punong mangga para makapagpasa ng project sa science..
salamat sa taong nagturo saken kung panu ang tamang pagkain ng rambutan....
at sa pagtuturo kung panu magnakaw ng rambutan sa hacienda malapit sa amin..
siyempre di ko malilimutan yung nagturo sakin gumamit ng skate board..tsaka ng roller blades...
kay mary ann tendilla na una kong minahal..kahit binigo mo ko at napunta ka kay jamil ..ayos lang..masaya ako para sa'yo..
at kay jamil...(sumalangit nawa) di man lang kita nasagip ng masagasaan ka ng rumaragasang taxi...nakokonsensiya ako..patawad..
salamat sa umampon saken nung naglayas ako sa bahay ng daddy ko nun..
sa tumulong saken mag review para makapasa me sa UPCAT....
sa'yo na tumulong din sa ken upang makilala ang tunay kong pagkatao.....
hindi mo toh alam..ikaw ang unang lalaki kong minahal..nakakatawa?? pero katotohanan yan..
sa pumatay ng aso ko na si bugoy...makakarma ka rin...
sa nagnakaw ng celfone ko..salamat na lang...
sa mga nanloko sa akin....mga GAGO KAYO!!!!
at sa mga nagmahal ng totoo...minahal ko rin kayo...sobra pa sa naibigay niyo sa akin....
kung sino man ang makababasa nito..
nais kong mabatid ninyo na...
mahal na mahal ko ang mama at papa ko....
ang ampon namin na nasa DUBAI na...pasalubong ha...
mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko..
at mahal ko ang trabaho ko....
ang mga sis and bro's ko( ang dami diba?) mahal ko rin kayo..
at mahal ko rin ang mga nagmamahal sa akin.....
Tuesday, November 20, 2007
ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU...
Posted by
hench park
at
5:42 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment