Thursday, December 27, 2007

THE STUDENT AS A JOURNALIST...


KATATAPOS KO LANG PANOORIN ANG programang THE PROBE TEAM sa kapamilya channel .
AT SA maniwala ka man o hindi...nagbabalik sa aking ala-ala ang mga pangitaing patuloy na naka impok sa aking balintataw.
napakaganda ng handog nilang presentasyon para sa kanilang mga manonood noong gabing iyon.
naiiba sa normal na palabas na nasasaksihan natin tuwing miyerkules ng gabi. nagkaroon ng isang kompetisyon sa nasabing programa..hinalaw sa isang programa sa KAPUSO channel 7..ang extra challenge.
hinati ang mga newscaster ng "the probe" sa 2 pangkat...ang red team at ang green team.
paunahan silang marating ang kani-kanilang destinasyon...ngunit di lang dito nagtatapos ang mga pagsubok..upang marating nila ang nasabing landasin...kailangan nilang sagutin ang mga clues ng nakasaad sa isang papel na hawak nila sapagkat ito ang susi upang malaman nila ng kanilang destinasyon.
at sa pagpapatuloy...sila rin mismo ang gagawa ng kani-kanilang kwento base sa kung ano ang kalagayan ng pook na kanilang napuntahan.
dito masusubukan ang kanilang galing sa paggawa ng isang DOCUMENTARY SHOW na walang tulong mga production staff at directors.
lubha akong humanga sa galing nila...hindi ko akalaing pagkatapos ng lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan...ay makagagawa sila ng ganun kagaling na OBRA MAESTRA.
muli...naalala ko ang mga panahong ako ang nasa kalagayan nila...nung ako ang gumagawa ng sarili kong OBRA MAESTRA , nung ini-edit ko ang sarili kong documentary show , nung nagsasagawa ako ng isang interview..nung nagpupuyat ako matapos lang ang mga artikulong dapat tapusin..nung tumatawag ako sa mga kaibigan ko upang humingi ng tulong.
hindi ako ganun kabihasa sa mga video inserts..pero bilib ako sa sarili kong kakayahan sa pagsulat..pagsulat ng mga balita , mga lathalain , ng tula , kwento , at kung anu-ano pa.
(pero sa pagkakataong ito , hindi ko alam kung tama ba..kung naayon ba sa timpla , kung malinaw ba ang mensaheng nais kong iparating sa aking mga mambabasa , kung tama ba ang pagkakasunod ng aking mga salita , kung maayos ba ang mga ginagamit kong mga pangungusap??)
akala ko magaling ako..
akala ko alam ko na ang lahat..
akala ko pwde na akong ipantapat sa mga pinakamahuhusay nating manunulat....
at akala ko matatanggap na ako sa UP WRITERS CLUB...
MALI PALA..MALI.....
marami akong natutunan matapos kong panoorin ang naturang programa...
*na pag hindi mo alam..magtanong...
*na dapat bukas ang iyong mga mata at handa kang hanapin ang mga bagay
na nawawala...

*na dapat handa ka ring tumanggap ng katotohan...
*na dapat bukas din ang iyong tenga upang makinig sa payo ng
iba..

*na dapat wala kang pinapanigan...dapat patas...
*na ang mundo ay dapat balanse...
*na nakakabulag ang kagandahan...
*na dapat handa ka sa mga pwedeng mangyari...
*na dapat bago ka lumusob...i-analyze mu muna ang
sitwasyon..

*na ang buhay ay puno ng pagsubok...
*at ang buhay ay napakalalim...at matalinghaga ang takbo
nito...

*na minsan wala ka nang maisip na isulat at titigil ka na lang
bigla...??

(note: tuloy- tuloy kong isinulat ang aritcle na ito..walang editor , walang burador(scratch) at pawang kung anu lang ang pumasok sa isip ko...)
10 taon mula ngayon..babasahin kong muli ito at susumahin kung ang takbo ng pag iisip ko ngayon ay similar sa kung anu man ang takbo ng isip ko sa hinaharap.
ika-27 ng Disyembre , 2007
8:31 ng gabi
Lunsod ng Makati
-Hench

1 comments:

Rygel said...

honga! babasahin ko ule mamaya para maintindihan hehehe