Thursday, October 25, 2007

Why TA Is Unique...

... I never was the outgoing type pero dahil halos kapitbahay ko lahat ng classmates ko in elementary & highschool at walking distance lang yung school, syempre nagkaron ako ng madaming close friends.

Kaya lang nung namulat ako sa katotohanan naging aloof ako sa kanila kasi andun yung feeling na parang I'm living a like (naks). Unti-unti nag drift away ako - nakakainis nga kasi nakakasalubong ko sila sa mga eskinita pero parang "Hi!" "Hello!" nalang. Stranger to friends ang drama.

Sabi nila, "birds of a feather flock together" kaya inikot ko ang Enkantadia para makakita ng karamay. Madami naman akong nakilala pero hindi kasi priority yung friendship eh... madalas landian, ligawan, sex ang agenda. Saka pag nagiging closeness na e "it must be love" ang agad nasa isip. Hayun solo flight pa din ako...

Fast forward tayo... tinayo ang Sun Cellular at lalong nagsisulputan ang mga dugong bughaw (ang dami pala natin)... nauso ang clans edi syempre join naman ako. Pero as usual, yung pini-PM lang e yung mga karir, well at least masmadaming pagppipilian. Nakakapagod din yung 1-on-1 SEB este EB pala =p. Naka-3 clan din ata ako.

Tapos once upon a time, nag GM ung isang clanmate ko na meron daw house party sa kanila. Siguro tigang ako nun kaya kahit wala pako kilala punta naman ako (baka maka score haha). Hayun nakilala ko si Niceguy, verge, Khiro (na may kasamang K9), ang crush kong si Matt noon (kaso binakuran na ni Lee hmmft!), ang sobrang tahimik na si Spike, atpb. Aba! wholesome pala ang event (pero sabi nila nahalikan daw si Niceguy nung kasama ko... haha!). Umuwi akong walang take home.

After a few days, aba! magtatayo daw ng clan si Niceguy at Tropang Astig ang bansag. Syempre abot bubong kilay ko... Isip ko na front lang yung para sa kariran... the usual story.

Ewan ko ba kung bakit pero kahit na may mga landian e parang sa diko namamalayang dahilan habang tumagal ako sa TA ay nagkaron ako ng friends. Yun bang tipong kahit hindi wala akong makarir minsan ay nageenjoy pa rin ako sa company nila...

Syempre ang haba ng introduction ko (eh ganun talaga)... kaya unique ang TA ay kasi para sa akin meron talaga akong mga matatawag na friends dito.

0 comments: